Sabado, Enero 16, 2016

Ang Tula


ANG TULA


Ayon kay Lope K. Santos ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng apat na elemento:sukat,tugma,kariktan at talinghaga.
Nabibilang dito ang bugtong, salawikain, bulong,
awiting bayan atbp.

Ayon nina AGA, Corazon de Jesus, at Florentino Collantes, ang pamantayan sa paglikha ng tula ay nababatay sa
sukat, tugma, at sesura.

Apat na Pangkalahatang Uri ng Tula:

1. Tulang Pandamdamin o Liriko

   Naglalahad ito ng mga saloobing damdamin, imahinasyon, at karanasang maaaring sarili ng may-akda o ng ibang tao. Kabilang dito ang soneto, elihiya, bulong, oda,at dalit.

2. Tulang Pasalaysay

    Nagsasalaysay ito ng makukulay na karanasan o pangyayari tungkol sa pag-ibig, kabayanihan at kadakilaan ng pangunahing tauhan. Saklaw ng uring


ito ang epiko, awit, kurido, at pasyon.

3. Tulang Patnigan

    Isang uri ito ng pagtatalong patula na kinapapalooban ng matalinong pangangatuwiran, talas ng pag-iisip at lalim ng diwa. Kabilang dito ang duplo, karagatan, balagtasan, batutia[tagalog], at crisottan[kapampangan].

4. Tulang Padula

     Nasasaklaw dito ang mga dulang diyalogo o usaping patula.
Pangunahing halimbawa dito ang komedya o moro-moro, senakulo, tibag, at sarswela.

Mga Uri ng Tulaayon sa Kayarian


1. Matandang tula o Makalumang tula

    Ito’y binubuo ng mga taludtod na may sukat at may tugma.
Ang mga taludtod ay nagtataglay ng sukat at ang huling pantig
ng isang saknong ay magkasintunog.

2. Malayang Taludturan o free verse

    Ito ang tawag sa tulang walang sukat


at tugma.


Mga Tulang
Pandadamin o Liriko

1. Soneto

    Tulang binubuo ng labing-apat na taludtod bawat saknong.
nagtataglay ito ng mga aral ng buhay. Ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

2. Elihiya

    Tulang natutungkol sa kamatayan, pananangis at panaghoy.

3. Bulong

     Tradisyunal na tulang ginagamit sa panggagamot o pang-ingkanto, sa pangkukulam, sa paggalang ng mga anito at sa pagpapagaling sa isang may sakit.

4. Oda

    Mga tulang tumutukoy sa paghanga ng isang tao o bagay. Masigla angnilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

5. Dalit

    Tulang natutungkol sa pag-aalay ng dasal kay Mahal na Berhen Maria. Isang awit ng papuri luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwangpara sa Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.